Bob ONg quotable quotes. . . .

By israel on 4:06 PM
Just want to share some BOb Ong's quotes. . .
1. “kahit ikaw ay parang bato
na manhid at walang pakiramdam,
mag-ingat-ingat ka naman. dahil
kahit ganyan ka, hindi nasasaktan,
kaya mo namang makasakit. ”
2. hindi lahat ng di kaya mong
intindihin ay kasinungalingan at
ang mga bagay na kaya mong
intindihin ay katotohanan
3. nalaman kong hindi final
exam ang passing rate ng buhay.
hindi ito multiple choice,
identification, true or false,
enumeration or fill-in-the- blanks
na sinasagutan kundi essay na
isinusulat araw-araw. Huhusgahan
ito hindi base sa kung tama o mali
ang sagot, kundi base sa kung
may kabuluhan ang mga isinulat o
wala. Allowed ang erasures. ”
4. “Bakit ba ayaw matulog ng
mga bata sa tanghali, alam ba
nilang pag natuto silang umibig e
hindi na sila makakatulog kahit
gusto nila ?”
5. “Mas mabuting mabigo sa
paggawa ng isang bagay kesa
magtagumpay sa paggawa ng
wala ”
6. “Nalaman kong habang
lumalaki ka, maraming beses kang
madadapa. Bumangon ka man ulit
o hindi, magpapatuloy ang buhay,
iikot ang mundo, at mauubos ang
oras. ”
7. ” Kung nagmahal ka ng
taong di dapat at nasaktan ka, wag
mong sisihin ang puso mo.
Tumitibok lng yan para mag-
supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa
anatomy at ang sisisihin mo
naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo,
mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob!
Wag mong isisi sa body organs
mo ang mga sama ng loob mo sa
buhay! Tandaan mo: Magiging
masaya ka lang kung matututo
kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may
kasalanan sa lahat ng nangyari
sayo, kundi IKAW mismo! “
8. mangarap ka at abutin mo
‘ to. wag mong sisihin ang sira
mong pamilya, palpak mong
syota, pilay mong tuta, o mga
lumilipad na ipis. kung may
pagkukulang sa ’yo mga magulang
mo, pwede kang manisi at maging
rebelde. tumigil ka sa pag-aaral,
mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kili-
kili. Sa bandang huli, ikaw din ang
biktima. rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili.
9. “Pare, isa kang totoong tao
at walang halong kasinungalingan.
In English, FACT you, pare. Totoo
ka. In English, FACT you !”
10. “Hindi lungkot o takot ang
mahirap sa pag-iisa kundi ang
pagtanggap na sa bilyon-bilyong
tao sa mundo, wala man lang
nakipaglaban upang makasama
ka. ”

Comments

0 Response to 'Bob ONg quotable quotes. . . .'